Malawakang power outage naranasan sa Panama ilang oras bago ang pagdating doon ng Santo Papa

Nakaranas ng malawakang power service interruption sa Panama araw ng Linggo, ilang araw lamang bago ang pagbisita doon ni Pope Francis.

Dahil sa blackout, maraming traffic lights ang hindi gumana, naperwisyo ang maraming negosyo at anim na oras na hindi nakapag-operate ang mga gasolinahan.

Sa Miyerkules nakatakdang magtungo sa Panama si Pope Francis para sa World Youth Day.

Ayon sa Panamanian electric power company na ETESA, alas 11:42 ng umaga ng Linggo nang magsimula ang power service interruption.

Sinabi ng ETESA na may mga bahagi rin ng Costa Rica at Nicaragua ang nawalan ng kuryente.

Hindi naman tinukoy ng ETESA kung ano ang dahilan ng shut down.

Makalipas ang anim na oras, inanunsyo ni President Juan Carlos Varela ng Panama na naibalik na ang kuryente.

Read more...