Patay sa pagsabog ng fuel pipeline sa Mexico umakyat sa 79

AFP Photo

Umakyat pa sa 79 ang bilang ng nasawi sa pagsabog na naganap sa Mexico.

Itinigil na ang ginagawang search operation sa explosion site sa Hidalgo noong Sabado, pero ayon sa mga otoridad maaring madagdagan pa ang bilang ng nasawi.

Sinabi ni Health Minister Jorge Alcocer, maliban sa 79 na nasawi ay mayroon pang 66 na nasa ospital.

Ang iba sa kanila seryoso ang kondisyon dahil sa tinamong sunog sa katawan.

Sumabog ang fuel pipeline dahil sa ginalang may mga nagnanakaw ng langis.

Read more...