Siniguro ni House Speaker Gloria Arroyo na maipapasa ng 17th Congress ang panukala upang pababain ang edad ng batang maaring maging criminally liable.
Ngayong umaga isasalang sa pagdinig ng House Justice Committee ang panukala na mula sa 15 taong gulang at gawing 9 na taon ang age of criminally liable.
Mismong si SGMA ang dadalo sa pagdinig na naglalayong ibalik na ang 9 na taong gulang na nakagawa ng karumal-dumal na krimen ay dapat panagutin.
Kapag naging batas ang panukala, ang batang nasa edad siyam na taong gulang pababa sa oras na ginawa ang krimen ay ligtas sa pananagutang kriminal.
Habang ang nasa edad siyam na taon pataas at mas mababa sa 18 taon at maaring hindi maging criminally liable maliban na lamang kung ginawa nito ang krimen na may discernment.
Ang mga batang siyam na taon pababa na nasangkot sa krimen ay kailangan alisin sa kustodiya ng mga magulang o mga kamag-anak at isasailalim ang mga ito sa community-based intervention program ng local DSWD o child youth facility o Bahay Pagasa.