Unloading incidents at service interruptions na naitatala sa MRT-3 malaki ang ibinaba – DOTr

DOTr Photo

Patuloy sa pagbaba ang naitatalang unloading incidents at service interruptions sa MRT-3.

Ayon sa datos ng Department of Transportation (DOTr) mula sa 440 na unloading incidents noong 2017, ay umabot lang sa 58 ang naitala para sa taong 2018.

At mula sa 75 service interruptions noong 2017 ay 17 lang ang naitala sa taong 2018.

Sa datos din na inilabas ng DOTr, pinakamaraming naitalang unloading incidents sa MRT-3 noong taong 2016 na umabot sa 562.

Ayon sa DOTr, tumaas din ang bilang ng running trains matapos ang tuluy-tuloy na maintenance at rehabilitation at ang pagdating ng mga spare parts ng tren.

Noong Nobyembre ay nilagdaan na ang P18-billion loan agreement ng Pilipinas at Japan para sa rehabilitation at maintenance ng MRT-3, kung saan ang Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries na ang magiging maintenance provider.

Kabilang sa mga aayusin ay ang air-conditioning, signaling at power systems ng mga tren, gayundin ang mga CCTV, elevator at escalator sa mga istasyon nito.

Read more...