Ayon kay PAGASA Forecaster Glaiza Escullar huling namataan ang Severe Tropical Storm sa layong 2,602 kilometers east ng Mindanao.
Taglay ng nasabing bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 105 kilometers kada oras at pagbugsong aabot sa 135 kilometers kada oras.
West Northwest pa rin ang direksyon nito sa bilis na 20 kilometers kada oras.
Ayon kay Escullar, tiyak nang aabutin ng bagyo ang Typhoon category at may posibilidad pa na maging isang Super Typhoon habang papalapit ng bansa. “Tiyak na magiging typhoon siya, posibleng maging super typhoon dahil mainit ang karagatan dahil sa El Niño, dadaan siya sa mga lugar na mataas ang sea surface temperature,” sinabi ni Escullar sa Radyo Inquirer.
Sa ngayon maliit pa ang tsansa na tatama sa kalupaan ng bansa ang bagyo, pero maaaring manatili ito sa PAR sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw.