Lockdown sa mga lansangan, muling ipatutupad sa pag-alis ng mga APEC leaders

 

Mula sa www.mmda.gov.ph

Asahan na ng publiko ang muling pagbibigat ng daloy ng trapiko sa mga lansangan sa Metro Manila ngayong araw ng Biyernes.

Ito’y dahil ngayong araw muling isasara ang ilang mga lansangan patungo sa Ninoy Aquino International Airport dahil sa pag-alis ng mga lider at delegadong dumalo sa APEC Leaders Meeting.

Ayon kay Chief Superintendent Wilben Mayor tagapagsalita ng PNP, may ipatutupad pa ring lockdown sa mga kalye patungong NAIA hangga’t hindi pa nakakaalis ng bansa ang mga delegado upang matiyak ang seguridad ng mga ito.

Gayunman, inaasahan ng PNP at MMDA na dakong alas-4:00 ng hapon ay bukas nang muli ang lahat ng mga isasaradong lansangan sa pag-alis ng lahat ng mga pinuno ng mga 21-member economics na nakilahok sa APEC.

Matatandaang noong Lunes, libu-libong mga commuters ang naabala sa pagsasara ng mga kalye sa palibot ng PICC at NAIA dahil sa lockdown protocol na ipinatupad ng PNP at Presidential Security Group.

Narito ang mga lansangang maapektuhan sa araw na ito, Byernes November 20, 2015:

Read more...