Pangulong Duterte bumisita sa burol ni Henry Sy

Presidential Photo
Dumalaw si Pangulong Rodrigo Duterte sa burol ni SM Group founder Henry Sy Sr. sa Heritage Park, Taguig kagabi.

Ayon sa pahayag ng Malakanyang, dumating ang pangulo bandang alas 10:50 kagabi at nanatili roon ng mahigit isang oras.

Nagpaabot ang pangulo ng taos-pusong pakikiramay sa pamilyang naiwan ni Sy.

Kasama ng Pangulo kagabi sina Executive Secretary Salvador Medialdea, National Security Adviset Hermogenes Esperon

Pumanaw si Sy sa edad na 94.

Si Sy ang pinakamayamang tao sa bansa at naging kilala dahil sa pagtatatag ng malalaking mall sa Pilipinas.

Read more...