Granada natagpuan malapit sa isang polling center sa Cotabato City

Isang bomba ang natagpuan malapit sa isang polling center sa Cotabato City kung saan nagaganap ang plebisito para sa ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law.

Natagpuan ang bomba sa isang sari-sari store sa panulukan ng Sausa at San Juan Street sa Barangay Rosary Heights 1.

Ayon sa may-ari ng tindahan, dinampot niya pa ang bagay na inakala niyang laruan pero nang ipakita niya sa kaniyang kasama ay sinabing ito ay granada.

Agad naman silang nakatawag ng pulis at ligtas na nai-detonated ang bomba gamit ang sako at buhangin.

Magugunitang Linggo ng gabi, sa nasabi ring barangay ay dalawang granada ang pinasabog sa bahay ng isang hukom.

Read more...