Ngayong Lunes, Enero 21 at sa Miyerkules, February 6, magpapasya ang mga taga-Mindanao kung aaprubahan ang Bangsamoro Organic Law (BOL) .
Kung magwawagi ang yes vote, itatayo ang mas makapangyarihang BangsaMoro autonoumous region of Muslim Mindanao (BARMM) kapalit ng kasalukuyang ARMM.
Siyempre, maraming kontra, unang-una riyan ang mga ISIS -influenced armed groups na ang gusto ay gawing “wilaya” o lalawigan ng ISIS ang Mindanao. Sila ang tinuturo sa likod ang pagsabog sa South seas mall sa Cotabato city kamakailan kung saan dalawa ang namatay.
Kontra rin ang ilang pulitiko lalo na si Sulu gov. Abdulsakur Tan na kumwestyon sa KOrte Suprema sa isyu ng legalidad ng BOL. Si Lanao del Sur Rep. Andullah “Bobby” Dimaporo ay kontra din kung bakit isinama sa plebisito ang pito niyang bayan sa Lanao del Sur. Kontra din si Cotabato city Mayor Cynthia Guyani-Sayado dahil isinama ang lungsod niya sa plebisito. Meron ding 3,000 MNLF members ang nagrallly sa kanyang lungsod para ibasura ang BOL at suportahan ang “federalism”
Si Pangulong Duterte ay nagpahayag na kakausapin niya si MNLF Chairman Nur Misuari upang pag-usapan ang kapayapaan sa Mindanao matapos ang plebisito. Si Misuari ay importante, ayon sa Pangulo, para sa pangkalahatang solusyon sa Mindanao.
Kung tutuusin, ito ang pinakatamang panahon para harapin ang isyu ng Bangsamoro. Umiiral ang martial law ngayon sa Mindanao kayat mapayapa ang mga pag-uusap ng mga stakes players. Sa halip na nagbabarilan, sila ay nag-uusap.
Totoong malalim ang pagkaka-iba-iba at paniniwala ng mga Moro, maging sila ay lahing Tausug, Iranun, Maguindaon o kaya’y Maranaw. O kaya’y para sa BOL o sa pederalismo. O kaya’y extremist o pabor sa ISIS.
Subalit , ang idaraos na plebisito ngayon at sa Pebrero 6 at magiging resulta nito ay napakagandang simula ng demoktratikong proseso para makamit ang totohanang kapayapaan sa Mindanao.
Sa totoo lang, kapag nagging mapayapa at umunlad ang Mindanao, lahat tayong mga Pilipino sa Luzon a t Visayas ay makikinabang. Kaya nga’t panahon nang itigil ang napakatagal na giyera diyan sa Mindanao.
E-passports
Siyasatin kaya ng Senado ang kawalan ng anumang “public bidding” ng mga e-passports sa ilalim ng Aquino Administration.
Tampok dito ang APO (Asian Productivity Organization) Producton Unit Incorporated (APIU) na “creation” ng Aquino administration bilang “government controlled corporation” sa ilalim ng RA 10149 na nilagdaan ni Pnoy noong June 6, 2011.
Una, bakit ang APO Production unit incorporated (APIU) ay nakipag-joint venture sa United Expresssions and Graphic Corporation (UEGC) noong November 14, 2014 at hindi nagdaos ng “public bidding”?
Ikalawa, bakit pumasok si dating DFA sec. Albert del Rosario sa “memorandum of agreement” (MOA) sa APO-UGEC nang walang “public bidding” noong October 2015?
Ikatlo, bakit nauna ng apat na buwan ang MOA ng DFA at APO bago ang “live e-passport demonstration” ni Pnoy noong July 2015 sa production facility sa Malvar, Batangas?
Ikaapat, sino ba talaga ang nag-iimprenta ng e-passports? Ang government controlled printer na APO ba o ang orivate partner nitong UGEC? Bakit ang sinasabi ng COA noong 2016 ay UGEC ang nag-iimprenta?
Kami’y nagtatanong lang!