Polling precincts para sa BOL plebiscite nagbukas na

Polling place sa Isabela City | Comelec Photo

Nagbukas na ang mga polling precinct para sa plebisito sa Bangsamoro Organic Law.

Bago pa man ang pormal na pagbubukas, daan-daan nang botante ang nakapila sa polling places.

Sa pagtaya ng Comelec, inaasahan na aabot sa 2.5 million ang boboto mula sa 2.8 million na registered voters.

Tanging ang mga residente na may proper identification cards ang papayagang makapasok sa voting centers.

Madaling araw kanina nang ipamahagi ang mga election paraphernalia na gagamitin sa plebisito.

Read more...