Lalaki inireklamo matapos molestyahin ang 7-anyos na batang lalaki sa Cagayan

Nahaharap sa kasong panggagahasa ang isang lalaki matapos ireklamo ng isang pitong taong gulang na batang lalaki.

Sa ulat ng Cagayan Police Provincial Office, nangyari ang insidente, umaga ng Enero a-onse habang nasa banyo ang biktima.

Hinalay umano ng lalaking suspek ang bata at pinagbantaan pa kapag nagsumbong.

Noong Enero a-kinse ay nagkaroon ng lakas ng loob ang bata na magsumbong sa magulang na kalaunan ay nagsampa ng reklamo sa pulisya.

Kasong paglabag sa RA 8353 o Anti-Rape Law in relation to Child ABuse ang isinampa laban sa suspek.

Read more...