PUBLIC SERVICE: Water Service interruption ngayong araw, Jan. 21

Mawawalan ng suplay ng tubig ngayong araw ang bahagi ng sa Mandaluyong at Makati City.

Ayon sa abiso ng Manila Water, mula alas 9:00 ng gabi mamaya hanggang alas 5:00 ng umaga bukas ay mawawalan ng suplay ng tubig ang bahagi ng Brgy. Barangka Drive sa Mandaluyong.

Ito ay dahil sa gagawing pipe interconnection ng Manila Water sa Kapalaran Street kanto ng Silangan.

Sa Makati City naman, alas 10:00 ng gabi mamaya hanggang alas 4:00 ng umaga bukas mawawalan ng suplay ng tubig sa bahagi ng Brgy. Rizal.

Mayroon ding pipe maintenance ang Manila Water sa bahagi ng Blueboz Street na magreresulta sa water service interruption.

Read more...