Nanawagan ang Office of the Presidential Advised on the Peace Process sa publiko na maging mahinahon kasunod ng panibagong pagsabog na naganap sa Cotabato City.
Hinimok ni Presidential Adviser on the Peace Process Carlito Galvez, Jr. ang publiko na iwasan ang mga espekulasyon dahil hindi pa naman kumpirmadong may kinalaman sa Bangsamoro Organic Law plebiscite ang naturang pagsabog.
Sinabi ni Galvez na patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.
Nananatili din aniyang “on top” sa sitwasyon ang mga otoridad at ang Commission on Eelctions (Comelec).
Ilang oras bago ang pormal na pagbubukas ng plebesito ngayong umaga ay pinasabugan ng granada ang bahay ni Nuro, Upi, Maguindanao Municipal Circuit Trial Court Judge Angelito Rasalan.