Election supplies at paraphernalia naipamahagi na para sa pormal na pagbubukas ng botohan sa BOL

BOL Plebiscite | Comelec Photo
Pormal nang magbubukas ngayong umaga ang botohan para sa Bangsamoro Organic Law.

Madaling araw kanina nang umpisahan ang pamamahagi ng election supplies at paraphernalia sa mga lugar na magsisilbing polling precincts.

Naideliver na ang mga election supplies at iba pang gamit para sa gagawing plebisito sa City Hall ng Cotabato City.

Maaga ding nadala ang mga suplay sa apat na distrito ng Isabela City sa Basilan.

Alas 7:00 ng umaga ang pagbubukas ng mga presinto para sa BOL plebiscite.

Read more...