Magnitude 3.4 na lindol, tumama sa Surigao del Norte

Phivolcs photo

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol sa Surigao del Norte, Lunes ng madaling-araw.

Batay sa inilabas na impormasyon ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 2 kilometers Southeast ng Socorro dakong 11:42 ng gabi.

May lalim itong 101 kilometers at tectonic ang origin.

Gayunman, walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...