Bilang ng stranded na pasahero sa Visayas at Mindanao, pumalo na sa higit 2,500

File Photo | PCG

Hindi bababa sa 2,000 pasahero ang stranded sa iba’t ibang pantalan sa Visayas at Mindanao.

Sa 8:00 PM data ng Philippine Coast Guard (PCG), nasa kabuuang 2,628 na ang bilang ng mga pasaherong naipit sa mga pier sa Central Visayas, Northern Mindanao, Eastern Visayas at Southern Visayas.

Ito ay bunsod ng umiiral na sama ng panahon na Bagyong Amang.

Maliban sa mga pasahero, 222 na rolling cargoes, 38 na vessel at walong motorbanca ang hindi pinabiyahe sa mga pantalan.

Bandang 7:00 ng gabi, huling namataan ang Bagyong Amang sa 135 kilometers east ng Surigao City sa Surigao del Norte.

Inabisuhan naman ang lahat ng PCG units ukol sa istriktong implementasyon ng HPCG Memorandum Circular Number 02-13 o Guidelines on Movement of Vessesls during Heavy Weather.

Read more...