LOOK: Anne Curtis, nakita na sa personal si K-pop supestar Seungri

Photo grab from Anne Curtis’ Instagram account

Nakita na sa personal ni Kapamilya actress at television host Anne Curtis ang K-pop supestar mula sa Big Bang na si Seungri.

Gamit ang kaniyang Instagram, nag-post si Anne ng larawan kasama ang K-pop star, Sandara Park at ang kaibigan at co-host na si Ryan Bang.

Binati ni Anne si Seungri sa kaniyang matagumpay na concert sa Maynila at nagpasalamat din sa pag-imbita nito.

Sa caption ni Anne, sinabi nito na ito ang unang pagkakataon na nakapanood siya ng concert ng K-pop star.

Samantala, inimbitahan din ni Anne sina Sandara at Seungri na bumisita sa entablado ng noontime show na “Showtime.”

Read more...