Federer, tinalo ni Tsitsipas sa 2019 Australian Open

AP photo

Tinalo ni Stefanos Tsitsipas ang two-time Australian Open defending champion na si Roger Federer sa ikaapat na set ng kanilang laban.

Ayon kay Tsitsipas, siya ang pinakamasayang tao sa mundo ngayon dahil sa kaniyang pagkapanalo.

Nanalo ang 20-anyos na manlalaro sa iskor na 3 sets to one.

Naipanalo ni Federer ang unang set sa kanilang laban ngunit umarangkada si Tsitsipas sa tatlong magkakasunod na set.

Dahil dito, si Tsitsipas ang kauna-unahang manlalaro mula sa Greece na nakapasok sa quarterfinals ng tennis league.

Read more...