Iginiit ni American boxer Adrien Broner na siya ang tunay na nanalo sa kanilang Welterweight boxing match ni Pambansang kamao Manny Pacquiao.
Sa isang pahayag matapos ang laban, sinabi ni Broner na alam ng lahat ng nanood sa MGM Grand Arena sa Nevada, USA na kontrolado nito ang naturang laban.
Mas tumama aniya ang kaniyang clean shots kumpara kay Pacman.
Sa ikapitong round ng laban, tatlong beses na-korner ni Pacquiao ang 29-anyos na challenger.
Naidepensa ni Pacquiao ang WBA Welterweight championship belt via unanimous decision.
MOST READ
LATEST STORIES