Patay ang dalawa katao habang sugatan ang 22 iba pa sa sumiklab na sunog sa ski resort ng Courchevel sa French Alps.
Ayon sa mga otoridad, pwersahang inilikas ang mahigit 60 na resort workers kabilang ang ilang dayuhan sa tatlong palapag na gusali.
Natagpuan ng mga bumbero ang dalawang hindi pa nakikilalang katawan sa Courchevel 1950 ski station.
Tatlo sa apat ang lubhang nasugatan na inilipad ng helicopter patungo sa pagamutan.
Sa ngayon, hindi pa alam kung ano ang sanhi ng sunog.
Nagparating naman ng pakikiramay ang Interior Minister na si Christophe Castaner sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng mga biktima.
MOST READ
LATEST STORIES