Resulta ng BOL, hindi agad mailalabas – Comelec

Josephine Jaron Codilla’s Facebook photo

Aabutin ng apat na araw bago malaman ang resulta ng magaganap na plebesito para sa ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law (BOL), ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Sa isang pulong balitaan kasama ang Institute for Autonomy and Governance sa Notre Dame University., sinabi ni Comelec spokesman James Jimenez na magiging mano-mano ang proseso ng botohan kung kaya’t mas mahaba ang pagbibilang at canvassing.

Pagkatapos ng botohan, agad dadalhin ang canvass mula sa Cotabato City sa National Canvassing Board na magsasama-sama sa Instramuros, Maynila sa January 22.

Pareho rin ang magiging sistema sa Isabela City, Basilan. Ngunit, ang canvass sa ilang bahagi ng Basilan ay kinakailangang dumaan muna sa provincial at regional canvassing board.

Sinabi naman ni Jimenez na walang malaking problemang naganap sa paghahanda sa BOL plebiscite.

Magaganap ang plebisito sa Autonomours Region in Muslim Mindanao sa araw ng Lunes, January 21.

Samantala, isasagawa naman ang plebisito sa Lanao del Norte at anim na munisipalidad sa North Cotabato sa February 6.

Read more...