Pacquiao nagpasalamat sa kaniyang pamilya, fans para sa pagsuporta

Photo grab from Manny Pacquiao’s Facebook account

Nagparating ng lubos na pasasalamat si Senador Manny Pacquiao matapos matalo si American challenger Adrien Broner sa Las Vegas.

Sa Facebook, nag-post ng mensahe ang Pambansang kamao kasama ang kaniyang asawa na si Jinkee Pacquiao.

Unang pinasalamatan ni Pacman ang Panginoon para sa nakamit na tagumpay. Sumunod ang kaniyang asawa, pamilya, mga kaibigan at tagahanga sa buong mundo.

Ani Pacquiao, hindi niya mararating ang nakamit na tagumpay kung hindi dahil sa mga nagtiwala at sumuporta sa kaniya.

Nagwagi si Pacman via unanimous decision sa scores na 117-111, 116-112,116-112.

Dahil dito, marami ang napapaisip kung magkakaroon ng rematch sina Pacquiao at Floyd Mayweather.

Read more...