Pacquiao, walang planong tumakbo sa pagka-pangulo

AP photo

Simula nang naging senador noong 2016, kumalat na ang ideya ng pagtakbo ni Manny Pacquiao sa pagka-pangulo.

Maari nang tumakbo sa pagka-pangulo si Pacquiao matapos maging 40-anyos noong December 17, 2018.

Matapos ang laban kontra kay Adrien Broner, sinabi ni Sen. Manny Pacquiao na wala siyang planong tumakbo at aniya, hindi ito ang kaniyang prayoridad sa political career.

Ayon kay Pacquiao, masaya na siyang nagsisilbi at nagbibigay ng pagkilala sa bayan bilang senador.

Kasunod ng pagkadepensa sa WBA Welterweight belt, nagpasalamat si Pacquiao sa suporta ng kaniyang mga tagahanga.

Read more...