BOL, unang hakbang sa para sa kapayapaan sa Mindanao – Robredo

Inihayag ni Vice President Leni Robredo na ‘first step’ ang Bangsamoro Organic Law (BOL) para makamit ang kapayapaan sa Mindanao region.

Ayon kay Robredo, ang BOL ay isa sa aksyon ng gobyerno para itama ang ‘historic injustice’ na nagkakaroon ng conflict sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Sa isang panayam, hindi aniya ang BOL ang solusyon ngunit unang hakbang pa lamang.

Hinikayat din ni Robredo ang lahat na suportahan ang pagpapasa ng BOL.

Unang isasagawa ang BOL sa ilang parte ng ARMM, Isabela City sa Basilan at Cotabato City sa Lunes (January 21).

Read more...