Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na irerespeto ni Pangulong Rodrigo Duterte anuman ang maging desisyon ng publiko sa plebisito.
Susunod din aniya ang pangulo sa boses ng mga residente sa Mindanao.
Isinalarawan pa ng kalihim ang BOL bilang ‘historic piece of legislation’ sa Mindanao region.
Dagdag pa nito, hinihikayat pa rin ng Punong Ehekutibo ang mga botante na bumoto ng ‘yes’ para sa kapayapaan at kaunlaran ng Mindanao.
Ang Bangsamoro Organic Law (BOL) ay magiging Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na papalit sa ARMM.
MOST READ
LATEST STORIES