Tumama ang magnitude 4.7 na lindol sa Sulu, Linggo ng hapon.
Sa datos ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 91 kilometers Southeast ng Jolo dakong 3:47 ng hapon.
May lalim itong 34 kilometers at tectonic ang origin.
Dahil dito, naramdaman ang intensity 2 sa Zambaoanga City at Jolo Sulu.
Gayunman, walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES