Bilang ng nasawi sa pagsabog ng oil pipeline sa Mexico, umabot na sa 73

AFP photo

Nadagdagan pa ang bilang ng nasawi sa pagsabog ng oil pipeline sa central-eastern Mexico.

Batay sa anunsiyo ni Hidalgo state governor Omar Fayad, tumaas na ang bilang ng mga nasawi sa 73 matapos matagpuan ang karagdagang limang katawan ng biktima.

Naganap ang pagsabog malapit sa Tlahuelilpan kung saan 74 naman ang nasugatan.

Sa ngayon, maamoy pa rin ang krudo at sunog ng mga damit sa lugar.

Patuloy naman binabantayan ng mga sundalo ang pinangyarihan ng insidente habang isinasagawa ang operasyon sa lugar.

Nangyari ang pagsabog tatlong linggo matapos maglunsad si President Andres Manuel Lopez Obrador ng opensiba laban sa mga na nagnanakaw ng langis sa mga pipeline na umabot na sa mahigit 12,000 sa unang 10 buwan ng 2018 o average na 42 pagnanakaw kada araw.

Read more...