Malakanyang, binati si Pacquiao sa pagkapanalo vs Broner

Binati ng Palasyo ng Malakanyang si Senador Manny Pacquiao para sa pagkapanalo kontra kay American boxer Adrien Broner.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na nakikiisa ang Palasyo sa pagdiriwang ang mga Pilipino sa matagumpay na pagdepensa sa kaniyang WBA welterweight title.

Sa kabila aniya ng 11 taong agwat sa edad, sinabi ni Panelo na ipinamalas ng Pambansang kamao ang kaniyang tatak na istilo sa boksing sa laban.

Nagpasalamat din ang kalihim sa senador hindi lamang sa pagbibigay ng pagkilala sa ating bansa kundi maging sa muling pagkakaisa ng mga Pilipino sa buong mundo.

Dagdag pa nito, ipinamalas ni Pacman ang kaniyang athleticism, lakas at Filipino pride sa mundo.

Read more...