BREAKING: Manny Pacquiao, wagi vs Adrien Broner

AP photo

Naidepensa ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao ang kaniyang WBA Welterweight Championship belt kontra kay American boxer Adrien Broner via unanimous decision.

Lumabas sa scorecard ng mga judge ay 117-111, 116-112, 116-112.

Sa kabila ng agwat sa edad, pinaulanan ng suntok ni Pacquiao ang American challenger.

Dahil dito, ito na ang ika-61 na panalo ni Pacquiao sa kaniyang 70 professional fights.

Naganap ang bakbakang Pacman-Broner sa MGM Grand Arena sa Nevada, USA.

Read more...