Ito ay bunsod ng inaasahang pananalasa ng Bagyong Amang.
Ayon kay Guinobatan disaster officer Teresita Alcantara III, nasa 865 na pamilya o 2,946 na indibidwal ang inilikas bandang 9:00, Linggo ng umaga.
Nagsimula aniya ang pre-emptive evacuation sa lugar noong araw ng Sabado sa pagpasok ng sama ng panahon sa bansa.
Ang mga evacuees ay mula sa Barangay Maninila, Tandarora at Sitio Basiao sa Muladbucad Grande.
Ipinatupad ni Guinobatan mayor Ann Gemma Ongjoco ang mandatory pre-emptive evacuation sa mga residenteng nakatira sa 6-kilometer danger zone ng Mayon.
Posible kasing magkaroon ng mudflow dahil sa malakas na buhos ng pag-ulan.
Samantala, iniutos na rin ang mandatory pre-emptive evacuation sa bayanng Polangui at Libon dahil sa posibleng landslide at baha.
Nais nina Mayors Cherilie Sampal at Das Maronilla na makamit ang zero casualty sa lugar.