Tumama ang magnitude 6.7 na lindol sa north-central Chile, Linggo ng umaga.
Ayon sa US Geological Survey (USGS), naitala ang episentro ng lindol sa layong 15 kilometers Southwest ng Coquimbo at may lalim itong 53 kilometers.
Naramdaman ang lindol sa Valparaiso, O’Higgins at sa rehiyon ng capital Santiago, maging sa Atacama at Coquimbo.
Ayon kay Ricardo Toro mula sa National Emergency Office, libu-libong kabahayan ang nawalan ng kuryente dahil sa lakas ng lindol.
Wala namang ulat na nasugatan o napinsala matapos ang pagyanig.
Ikinokonsidera ang Chile bilang earthquake-prone country.
MOST READ
LATEST STORIES