Pagsasara ng Estrella-Pantaleon Bridge, sinalubong ng trapik

Naperwisyo ng trapik ang mga motorista sa unang araw ng pagsasara ng Estrella-Pantaleon Bridge ngayong Sabado.

Bago ang pagsasara, mula 10 hanggang 15 minuto ay makakabiyahe na mula Makati at Mandaluyong dahil hindi na kailangang suungin ang Edsa at sa naturang tulay ang daan ng mga motorista.

Pero dahil sa pagsasara ng Estrella-Pantaleon Bridge, naipit sa trapik ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta na inilabas ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sa obserbasyon ng 1 traffic enforcer, hindi naging normal ang daloy ng trapiko sa mga alternate routes ngayong weekend.

Ayon kay Makati Public Safety Department assistant team leader Arnel Bernarte, volume o dami ng mga sasakyan ang dahilan ng trapik sa mga alternatibong ruta dahil sa saradong tulay.

Sa pagtataya ng Department of Public Works and Highway (DPWH), maaaring tumagal ang matinding trapik sa loob ng 30 buwan.

Isinara ang Estrella-Pantaleon Bridge o kilala bilang Rockwell Bridge para gumawa ng bagong tulay.

Read more...