Milyun-milyong deboto ang nakiisa sa tradisyonal na prusisyon sa pista ng Sto. Niño de Cebu.
Ayon kay Cebu City Police Office director Senior Supt. Royina Garma, hindi bababa sa 1.5 n milyon ang bilang ng mga debotong sumama sa prayer walk sa Cebu City.
Tumagal ng apat na oras ang prayer walk.
Tatlong beses itong mas mataas kumpara sa 500,000 na bilang ng mga deboto noong 2018.
Ani Garma, simula pa lamang ng novena ay kapansin-pansin na ang dami ng mga tao sa basilica.
Kabuuang 6,000 na pulis at sundalo ang ipinakalat para matiyak ang kaligtasan sa kasagsagan ng mga aktibidad.
Sa January 20, araw ng Linggo, inaasahan pa ang pagdagsa ng mga deboto sa Basilica Minore del Sto. Niño.
Pangungunahan naman ni Cebu Archbishop Jose Palma ang Pontifical Mass 6:00 ng umaga.
Susundan ito ng walo pang misa sa Pilgrim Center ng Basilica.
Maliban sa religious acitivities, inaasahan ding dudumugin ang Sinulog grand parade at dance competition.