Tumama ang magnitude 4.2 na lindol sa Davao Occidental, Sabado ng gabi.
Batay sa impormasyon mula sa Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 396 kilometers Southeast ng Sarangani dakong 7:13 ng gabi.
May lalim itong 10 kilometers at tectonic ang origin.
Gayunman, walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES