Asahan na naman ang isa pang round ng taas presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Epektibo sa Martes, January 22, nasa pagitan ng P0.30 at P0.40 ang tinatayang dagdag presyo sa kada litro ng diesel.
Maglalaro naman sa P0.10 hanggang P0.20 ang taas presyo ng kada litro ng kerosene.
Habang ang presyo ng kada litro ng gasolina ay posibleng walang paggalaw o kung tataas man ay nasa P0.10 kada litro.
Ito na ang pangatlong linggo ng oil price increase matapos magdesisyon ang Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) na magbawas ng produksyon ng langis.
Samantala, sa tala ng Department of Energy (DOE), mahigit 1,000 sa 8,600 na gasolinahan ang nagpatupad na ng dagdag excise tax dahil sa implementasyon ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.
Sa ilalim ng tax reform package ng administrasyong Duterte, nasa mahigit P2 ang patong na excise tax sa presyo ng kada litro ng gasolina at diesel.