Higit 900,000 kliyente ng Cebuana Lhuillier, apektado ng data breach

Mahigit 900,000 kliyente ng Cebuana Lhuillier ang nakompromiso matapos aminin ng kumpanya na isa sa kanilang email servers ay apektado ng data breach.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng kumpanya na napag-alamang apektado ang email server na ginagamit para sa kanilang marketing purposes.

Kabilang anila sa mga impormasyong naapektuhan ay ang petsa ng kaarawan, address at source of income ng mga kliyente.

Gayunman, tiniyak naman ng Cebuana Lhuillier na hindi apektado ng breach ang transaction details ng mga kliyente.

Nananatili rin anilang “safe and protected” ang kanilang main servers.

Sinabi pa ng kumpanya na nagpadala na sila ng email sa mga kleyente para ipaalam ang insidente.

Sa ngayon, nagsasagawa na anila ng imbestigasyon sa insidente katuwang ang National Privacy Commission (NPC).

Read more...