Namatay na sa edad na 94 ang founder ng SM na si Henry Sy.
Sa paunang ulat, namatay si Sy sa kanyang pagkakatulog.
Ipinanganak noong December 25, 1924 sa Fujian, China, si Sy ay nakilala bilang innovator sa larangan ng retail industry sa bansa.
Naiwan ng kilalang negosyante at philantropist ang kanyang asawa na si Felicidad Tan at ang mga anak na sina Teresuta Sy-Coson, Hans T. Sy, Harley T. Sy, Elizabeth T. Sy, Herbert T. Sy at Henry T. Sy Jr.
Kabilang sa mga subsidiaries ng SM Group of Companies ay ang SM Prime Holdings, SM Retail, SM Land,Banco de Oro At China Banking Corporation.
Sa loob ng labing-isang taon ay napanatili ni Sy ang record bilang pinaka-mayamang Filipino.
Sa tala ng Forbes, si Sy ay may estimated net worth na $19 Billion.
Wala pang inilalabas na detalye ang kanyang pamilya tungkol sa burol at petsa ng libing ng nasabing negosyante.