Galit na sinagot ni dating Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Judy Taguiwalao na mga miyembro ng New People’s Army ang nakinabang sa 4Ps ng pamahalaan noong siya pa ay miyembro pa ng gabinete.
Nilinaw ng kalihim na karamihan sa mga nabigyan ng pondo galing sa 4Ps ay mga sibilyan na napatay sa mga ginawang pag-atake ng militar.
Ito ang tugon ng kalihim sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na mga NPA members lamang ang nakinabang sa pondo na dapat sana ay nakalaan sa mga mahihirap na Pinoy.
Si Taguiwalo ay dating miyembro ng komunistang grupo bago naging kalihim ng DSWD.
Kilala rin siya bilang miyembro ng iba’t ibang militanteng grupo na iniuugnay sa CPP-NPA.
Sa isang pahayag, inamin rin ni Taguiwalo na nakinabang rin sa 4Ps ng gobyerno ang ilang miyembro ng Lumad na umano’y hindi nabibigyan ng sapat na atensyon ng pamahalaan sa mga lalawigan.
Si Taguiwalo ay kabilang sa mga kilalang lider ng militanteng grupo na binigyan ng pwesto sa pamahalaan ni Duterte.
Iniwan ng dating kalihim ang DSWD makaraan ibasura ng Commission on Appointments ang pagkakatalaga sa kanya sa nasabing posisyon.