Pagpuri ni Sri Lankan President Sirisena sa drug war welcome sa PNP

Ikinatuwa ng Philippine National Police (PNP) ang ginawang pagpuri ni Sri Lankan President Maithripala Sirisena sa giyera kontra droga ng Pilipinas.

Sa isang pahayag, sinabi ni PNP chief Director General Oscar Albayalde na ang pahayag ni Sirisena ay patunay lamang na maganda ang istratehiya ng gobyerno para wakasan ang problema sa iligal na droga.

Ani Albayalde, ang PNP na nangunguna sa drug war ay mapagkumbabang tinatanggap ang papuri ni Sirisena.

Nakatakdang bisitahin ni Sirisena ang PNP headquarters sa Camp Crame ngayong Sabado, huling araw ng kanyang state visit sa bansa.

Ipapakita sa Sri Lankan president ang mga larawan ng mga anti-illegal drug operations na ikinasa ng PNP.

Sa kanyang pagdating ay bibigyan siya ng full state honors at sasalubungin nina Interior Secretary Eduardo Año at Albayalde.

Read more...