P49.5M jackpot ng Ultra Lotto 6/58 napanalunan

Isang maswerteng mananaya ang nakasungkit sa jackpot ng Ultra Lotto 6/58 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa draw kagabi.

Tumatanginting lang naman na P49,500,000 ang maiuuwi ng maswerteng bettor.

Nakuha nito ang winning combination na 29-12-39-42-34-08.

Wala namang nanalo sa Mega Lotto 6/45 na may jackpot na P55,891,951.

Ang winning combination naman para sa naturang lotto ay 22-39-05-44-45-03.

Read more...