CamSur, naka-alerto na sa posibleng epekto ng sama ng panahon

Naka-alerto na ang lalawigan ng Camarines Sur, bilang paghahanda sa posibleng pananalasa ng sama ng panahon sa Bicol Region.

Sa memorandum no. 1 ni Camarines Sur Gov. Miguel Luis Villafuerte, epektibo alas-singko ng Biyernes (January 18) ay nasa red alert status na ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Operations Center ng lalawigan.

Ito ay para i-monitor ang namataang Low Pressure Area o LPA na inaabangang magiging Bagyong Amang.

Inaatasan din ang mga lokal na opisyal na tutukan ang kani-kanilang nasasakupan at maghanda sakaling magkaroon ng pagbaha, landslides at iba pang maaaring epekto ng bagyo.

Dagdag ni Villafuerte, kailangang nakaayos na rin ang mga evacuation center para sa pre-emptive o forced evacuation, habang dapat ay naka-standby na rin ang mga response team para sa mabilis na pagtugon.

Noong Disyembre, tumama ang Bagyong Usman sa Bicol Region, kung saan mahigit sa limampu ang nasawi.

Read more...