1-year countdown para sa 10th ASEAN Para Games, nag-umpisa na

Nagsimula na ang one-year countdown para sa 10th ASEAN Para Games, na gagawin sa Pilipinas sa January 2020.

Sa isang kick-off ceremony gabi ng Biyernes (January 18), nagtipon-tipon ang mga kinatawan mula sa labing isang bansa sa Southeast Asia na makikibahagi sa ika-sampung taon ng ASEAN Para Games.

Ang tema nito ay “We Win as One,” na opisyal na mag-uumpisa sa January 18, 2020.

Ang ASEAN Para Games ay tumututok sa mga atletang persons with disabilities o PWDs.

Mangyayari ang multi-sport event pagkatapos ng 2019 Southeast Asian o SEA Games, na gagawin din sa Pilipinas mula November 30 hanggang December 11, 2019.

Matatandaan na noong 2005, ang Pilipinas ang nag-host ng ASEAN Para Games.

Read more...