Sa kaniyang press conference, humingi ng tulong si Baldo sa pangulo para mabigyan umano siya ng patas na imbestigasyon at hustisya.
Sinabi rin ni Baldo na haharapin niya ang lahat ng akusasyon laban sa kaniya.
“Humihingi po ako ng tulong sa patas na hustisya. Kung ano man po ang mga inaakusa sa akin, haharapin ko po ng buong buo. Ang hinihiling ko rin po na sana wag malagay sa alanganin ang buhay ng aking pamilya,” ayon kay Baldo.
Ayon kay Baldo, umaasa rin siya na hindi malalagay sa alanganin ang buhay ng kaniyang pamilya.
Nagpasalamat naman si Baldo sa mga tagasuporta niyang patuloy na naniniwala sa kaniya.