Pang. Duterte hinding-hindi makikipag-usap sa Abu Sayyaf

Hindi kailanman papasok sa usapang pangkapayapaan sa Abu Sayyaf Group si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kaniyang talumpati sa peace assembly para sa ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law sa Cotabato City, sinabi ng pangulo na wala siyang balak na makipag-usap sa naturang teroristang grupo.

Hindi umano niya gusto ang ginagawa ng Abu Sayyaf na pumapatay at pumupugot ng ulo ng mga bata at inosenteng mga tao.

Ang pahayag na ito ng pangulo ay taliwas sa kaniyang naging pahayag noong Hulyo ng nakaraang taon kung saan hiniling niya sa Abu Sayyaf na makipag-usap para maresolba na ang armed conflict sa Mindanao.

Ginawa ng pangulo ang panawagang iyon sa ASG ilang araw matapos malagdaan ang BOL.

Read more...