Drug suspect patay sa shootout sa Maynila

Police banner

Patay ang isang drug suspect matapos umanong magkaroon ng shootout sa buy bust operation sa Sta. Cruz, Manila.

Nakaroon ng enkuwentro matapos ilunsad ng Manila Police District (MPD) ang entrapment operation laban sa suspek na si Jarizz Eusebio Daiz alyas Nimar.

Si Daiz ay sinasabing sangkot sa pagtutulak ng droga sa lugar.

Ayon sa MPD report, bumili ang undercover agent na si PO1 John Barateta Jr. ng P200 halaga ng shabu mula sa suspek.

Matapos makuha ang droga, sumignal ang pulis sa kanyang back-up na arestuhin na si Daiz.

Pero nang matunugan ni Daiz na may mga pulis ay bumunot umano ito ng baril at pinaputukan si Barateta pero sumablay.

Gumanti ng putok ang pulis at tinamaan ang suspek sa iba’t ibang bahagi ng katawan nito.

Dinala si Daiz sa Chinese General Hospital pero namatay ito kalaunan.

Narekober sa lugar ang 2 sachet ng shabu, buy bust money at ang .38 caliber na baril na ginamit umano ng suspek.

Read more...