Grupo ng Filipino bishops magtutungo ng Vatican para makapulong si Pope Francis

AP

Nakatakdang bumiyahe patungong Vatican City ang grupo ng mga obispong Pinoy para makipagkita kay Pope Francis.

Bahagi ito ng “ad limina visit” kung saan parte ng obligasyon ng mga obispo ang magtungo sa Vatican kada limang taon para mag-ulat sa Santo Papa.

Ang “ad limina visit” ay isang paraan upang malaman ni Pope Francis ang sitwasyon sa iba’t ibang mga bansa.

Ayon kay Rev. Fr. Gregory Gaston, rector ng Pontificio Collegio Filippino sa Roma, magaganap ang pagbisita sa Mayo at Hunyo.

Ang mga Filipino cardinals, bishops at priest ay kadalasang sa Pontificio Collegio Filippino namamalagi kapag nasa Roma.

Kasama sa grupong bibisita sa Vatican si Sorsogon Bishop Arturo Bastes.

Ayon kay Bastes, bago pa man ang kanilang pagbisita ay nakapagsumite na sila ng ulat sa Santo Papa.

Read more...