Ayon sa Department of Health (DOH), hindi muna ibinigay ang sahod ng mga health workers sa Bicol dahil hindi pa lumalabas ang pondo para sa kanilang sweldo mula December 2018.
Ayon kay DOH-Bicol acting director Ernie Vera, ang apektadong health workers ay mag nurse at midwives na nakatalaga sa mga bayan sa rehiyon.
Dahil anya sa delay ng pondo para sa kanilang sahod ay pansamantala munang hindi magtatrabaho o magbibigay serbisyo ang mga health workers sa kanilang mga lugar.
Inabisuhan na anya ang health workers na wala muna silang service deployment epektibo noong miyerkules hangga’t hindi pa lumalabas ang pondo para sa unang kwarter ng taon.
Nasa P70 million kada buwan ang pondo para sa sweldo ng nasa isang libong health workers na nasa ilalim ng job contracts.
Ang sahod ng health workers ay nasa pagitan ng P20,000 at P31,000.