Road map kontra kahirapan, nabuo sa APEC summit

 

Inquirer.net/AP

Sama-samang nangako ang 21-lider ng mga bansang kasapi ng Asia Pacific Economic Cooperation o APEc na isusulong ang free trade, food security, technology at innovation, at magtataguyod ng mga eco-friendly infrastructure at titiyakin ang de-kalidad na pag-unlad na makakatulong sa lahat.

Ito ang ilan lamang sa mga panukalang nabuo sa katatapos lamang na APEC summit na ginanap dito sa bansa.

Sa naturang pagpupulong, nagkasundo ang mga lider na ilunsad ang mas detalyadong ‘road map’ upang ganap nang mabura ang kahirapan sa ilalim ng temang,“Building Inclusive Economies, Building a Better World.”

Sa ilalim ng panukala, plano ng mga region leaders na i-ugnay ang mga Micro, Small and Medium Enterprises o MSMEsa pandaigdigang kalakalan.

“We live in a connected world in which many goods and services are no longer produced in one location but are the result of firms cooperating within and across our borders. This benefits consumers, creates jobs, and fosters development.” Paliwanag ng mga lider  ng APEC.

Nagpahayag din ng kahandaan ang mga ito na na palawigin ang multilateral trading system at alisin na ang trade barrier sa rehiyon nang hindi isinasakripisyo ang multilateral trading system sa ilalim ng World Trade Organization.

Bukod dito, nangako rin ang mga lider na isusulong ang pangarap na ipatupad ang Free Trade Area of the Asia Pacific o FTAAP pagsapit ng 2020 na una nang nabuo noong 1994 sa Bogor, Indonesia.

Read more...