Teroristang kasapi ng IS-linked terror group naaresto sa Cotabato City

Ilang araw bago ang BOL plebiscite naaresto sa Cotabato City ang isang IS-linked na terorista.

Kinilala ang naarestong miyembro ng Al Khilafah Philippines na si Abu Bakar Pagayao.

Ayon kay Chief Insp. Eliseo Rasco, Region 12 police director, nadakip si Pagayao ng mga tauhan ng Cotabato City police at PNP Intelligence Group.

Inamin ni Pagayao sa mga otoridad na siya ay miyembro ng AKP na isang local ISIS group.

May plano aniya ng panggugulo si Pagayao bagaman ito niya ito inamin sa pulisya.

Ang AKP ang pinaniniwalaang nasa likod ng pagpapasabog sa General Santos City noong Setyembre kung saan pito ang nasugatan.

Nasa ilalim na ng kontrol ng Comelec ang Cotabato City matapos ang pagsabog noong New Year’s Eve sa isang Mall na ikinasawi ng dalawang katao.

Read more...