20,000 pulis at sundalo magbabantay para sa BOL plebiscite

Photo: Office of the PNP chief

Mahigit 20,000 na mga pulis at sundalo ang itatalaga para tiyakin ang seguridad sa plebisito para sa bagong Bangsamoro entity sa Mindanao.

Tiniyak naman nina Philippine National Police Chief Oscar Albayalde at Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Benjamin Madrgigal Jr. sa publiko na kasado na ang security measures para sa Bangsamoro Organic Law plebiscite sa January 21.

Ayon kay Albayalde, aabot sa mahigit 20,000 ang tropa ng gobyerno na magbabantay sa plebisito.

Sinabi naman ni Madrigal na patuloy na minomonitor ng otoridad ang mga lugar sa Mindanao kung saan may presensya ng mga armadong grupo.

Sa ngayon anya ay walang banta sa seguridad para sa BOL plebiscite.

Una ng sinabi ng Comelec na naghanda ito ng 2.1 milyon na mga balota para sa mga botante sa Autonomous Region in Muslim Mindanao, Cotabato City at Isabela City sa Basilan kung saa gagawin ang plebisito.

Ang plebisito ang tutukoy sa kapalaran ng BOL na layong bumuo ng bagong Autonomouns Bangsamoro Entity kapalit ng ARMM.

Read more...